Tuesday, September 20, 2005

Club 20 (English version)


There is one group
In jaypee they met and formed
You can only be a member
If your has twenty

Who are they?
Some have lost their shine
'Coz the end of the calendar
They are about to reach

They have different characters
There are some baby-minded
But when they get together
In sickness or in health, till death do us part

Each has his own abilities
Like a smorgashboard dish they are
The friendship tastes like "Sinigang"
And the sweetness is like fruit salad bar

Who are they?
I know they are many times
Here they are to be introduced
Who happens to be left is not right

If intelligence is to be talked about
Ismael and Eugene, they are the ones
In the midst of the riot and happiness
Gabs and Rodel, they are the clowns

No one can beat the Marina-Jayjay tandem
Who are the models of the typical Filipina
In cuteness, there is Phen and Olivia
And for the girls there is Dexter and Lawrence the artista

If you have problems with computer
To Mila you can run
If gif files is your business man
Go to Richard and you'll have plenty of fun

Any other problems, go to Chingie
If you want problems, go to Pons(ie)
If you have to feed someone, contact Hazel
And when paying your dues come, Haydee is number one

There is also Geng who has a deep mind?
Sometimes she's funny and at times she's wild
And Meng, you can't approach him when his hot
And Dondon, the only sakristan who doesn't act like one

There are many stories
And there are more intrigues
What are they?
"Now showing," it was founded there

Jayjay who use to carry a book
Now she has Dexter to take care and look
Marina who seems to cry for her studies
When her mind is actually in Japanese country

Are there anymore?
There is Meng and Olive at the side
And are waiting for one more
Could it be Eugene and Haydee this '94?

You can't ask for more
A friendship that is full of fun
A friendship which will always stand as one
Until the moment we leave for our homes
But not in the jeepney, we pay one-by-one

by:

Bgy. Bente (Junior Citizen)

Monday, September 19, 2005

Klab 20



May isang barkada
Sa jaypee nabuo't nagkakilala
Magiging miyembro ka
Kung edad mo'y may beinte na.

Sinu-sino na nga ba?
Ang iba ay nalaos na.
Pagka't dulo ng kalendaryo'y
Maaabot na nila.

Mga ugali'y iba-iba
Mayroong mga isip bata
Nguni't kapag nagsama-sama
Sa katuwaan o kalungkutan ay nagkakaisa

Iba't-iba ang mga katangian
Kung iisipin ay parang pakbet na ulam
Sa sarap ng pagkakaibigan ay parang sinigang
At sa tamis ng samahan ay parang fruit salad naman

Sino ba sila?
Alam ko'y marami na
Heto't ating ipakilala
Kung sino man ang maiwan, pasensya na lang

Kung talino rin lang ang pag-uusapan
Si Ismael at Eugenio walang hindi alam
At kung sa kalokohan at sa gitna ng kasiyahan
Tiyak na si Gabs o si Rodel ang kinagigiliwan

Walang tatalo sa tambalang Jayjay at Marina
Na tila mga modelo mg tunay na dalagang Pilipina
Kung sa kakyutan, si Olivia at si Phen ang panlaban
At sila Lawrence at Dexter naman sa pagwapuhan

Kung problema sa kompyuter
Si Mila ang takbuhan
Kung mga gif files naman,
Kay Richard matatagpuan

Kung sa problema'y si Chingie ang malalapitan
At kung kay Pons naman, ikaw ay mabibigyan
Kung may pakakainin, si Hazel ang maasahan
At kung singilan na ay si Haydee ang namber wan

At siyempre pa si Geng na malalim ang pag-iisip
Minsan nagwawala nguni't minsan ay tahimik
Si Meng na 'di mo malapitan kapag ang ulo ay nag-init
At si Dondon, ang tanging sakristan na walang kasing kulit

Marami ring istorya
At mas marami ang intriga
Ano ba ang mga 'yon?
'Di nga ba't 'Now Showing' sa klab 20 nagsimula.

Si Jayjay na dati-rati'y libro ang dala-dalahan
Nguni't ngayo'y isang Dexter na ang tangan
Si Marina na animo'y pag-aaral ang iniiyakan
Iyon pala'y isipan ay lumilipad na sa Japan

Sino-sino pa ba?
Ah...si Olive at Meng na rin pala
May hinihintay pa rin kami...
May Eugene at Haydee na rin ba?

Wala ka nang hahanapin pa
Isang barkadahang puno ng ligaya
Isang samahang walang iwanan
Hanggang sa uwian ay nagbibigayan
Pwera lang kung pambayad sa jeep ang pag-uusapan.

by:


Bgy. BenteDos (Senior Citizen)

Tuesday, April 05, 2005

My first posting


ano na nga ba? kay tagal ko ng naisip na ilagay ang anuman nasa akin isipan sa isang lugar na tulad ito...isang lugar na pwedeng ilabas ang mga bagay na bigla ko lang maisipan...isang lugar na di ko kailangan maging formal ang aking pagsusulat, yun maari akong magsulat sa pilipino o sa ingles, o taglish man...na maari akong magkahit na malili ang spelling at punctuations....

anyway, panimula lang yan...ano nga ba ang nasa isip ko ngayon...

naalala ko pa nun una akong gumagawa ng parang ganitong klaseng pagsusulat...una ko itong ginawa nung ako college student pa, di ko matandaan ang taon pero ang alam ko ay ginawa ko ito nung tumutulong kami sa logistics ng isang church formation program kami...so habang nagbibigay ng talk ang speakers at kami naman ay naka-antaby sa pangangailangan ng mga participants, ako naman ay busy isulat sa papel ang mga bagay na naisip ko...pero di ko itinago yun mga naisulat kong yun...yung sumunod na alam kong gumawa ng ganito ay sinulat ko sa computer ko..hahaha...naalala ko pa yung madalas na topic ko nun, yung isang kabarkada ko sa simbahan na lagi kong kasama, laman lang nito ay mga usual na tampo na siyempre wala siyang kaalam-alam dun..kung iisipin ko nga ngayon ay mga napaka-maliliit na bagay lang yun, isip-bata..

at ang pinakahuling pagkakataon (actually mga pagkakataon) ay nung sa una kong trabaho at pinadala ako nun sa singapore...madali pa ang trabaho namin nun, kumpara sa ngayon (ika nga nila, life was very much simpler then)..habang nagtatakbo ako ng batch para sa conversion ek ek na ginawa ko ay gumagawa ako ng sulat sa mga kaibigan ko sa pinas...basta kung ano lang talaga maisipan ko pati halakhak (hahaha)...hagikhik (hihihi) at kalungkutan (huhuhu) ay isunusulat ko...di pa kasi uso ang mga "smileys" nun eh ...may mga time stamp pa yun, kapag nagsisimula ulit ako...then yung sulat na yun, minsan kapag umabot na ng 2 pages ay saka ko ifa-fax dun sa isa kong kaibigan at ipapakita nya sa mga kaibigan namin sa simbahan kapag nagkita-kita sila nung weekend na yun

anyway, yun lang muna at kailangan ko munang magtrabaho at baka ma-tsugi ako


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...