Tuesday, April 05, 2005

My first posting


ano na nga ba? kay tagal ko ng naisip na ilagay ang anuman nasa akin isipan sa isang lugar na tulad ito...isang lugar na pwedeng ilabas ang mga bagay na bigla ko lang maisipan...isang lugar na di ko kailangan maging formal ang aking pagsusulat, yun maari akong magsulat sa pilipino o sa ingles, o taglish man...na maari akong magkahit na malili ang spelling at punctuations....

anyway, panimula lang yan...ano nga ba ang nasa isip ko ngayon...

naalala ko pa nun una akong gumagawa ng parang ganitong klaseng pagsusulat...una ko itong ginawa nung ako college student pa, di ko matandaan ang taon pero ang alam ko ay ginawa ko ito nung tumutulong kami sa logistics ng isang church formation program kami...so habang nagbibigay ng talk ang speakers at kami naman ay naka-antaby sa pangangailangan ng mga participants, ako naman ay busy isulat sa papel ang mga bagay na naisip ko...pero di ko itinago yun mga naisulat kong yun...yung sumunod na alam kong gumawa ng ganito ay sinulat ko sa computer ko..hahaha...naalala ko pa yung madalas na topic ko nun, yung isang kabarkada ko sa simbahan na lagi kong kasama, laman lang nito ay mga usual na tampo na siyempre wala siyang kaalam-alam dun..kung iisipin ko nga ngayon ay mga napaka-maliliit na bagay lang yun, isip-bata..

at ang pinakahuling pagkakataon (actually mga pagkakataon) ay nung sa una kong trabaho at pinadala ako nun sa singapore...madali pa ang trabaho namin nun, kumpara sa ngayon (ika nga nila, life was very much simpler then)..habang nagtatakbo ako ng batch para sa conversion ek ek na ginawa ko ay gumagawa ako ng sulat sa mga kaibigan ko sa pinas...basta kung ano lang talaga maisipan ko pati halakhak (hahaha)...hagikhik (hihihi) at kalungkutan (huhuhu) ay isunusulat ko...di pa kasi uso ang mga "smileys" nun eh ...may mga time stamp pa yun, kapag nagsisimula ulit ako...then yung sulat na yun, minsan kapag umabot na ng 2 pages ay saka ko ifa-fax dun sa isa kong kaibigan at ipapakita nya sa mga kaibigan namin sa simbahan kapag nagkita-kita sila nung weekend na yun

anyway, yun lang muna at kailangan ko munang magtrabaho at baka ma-tsugi ako


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...